Cloud 9

on Wednesday, January 15, 2014
Wala namang espesyal
sa mga ilaw
na iba't ibang kulay,
pero mahalagang
tinatanaw ko ang mga ito
mula
sa
malayo.


Laban sa Unang Kampaniyang Paglibid*

on Saturday, January 4, 2014
Nagdiringas ang kagubatan sa ilalim ng alapaap,
Dumadagundong ang galit ng mga kawal hanggang sa kalangitan.
Kinukubli ng ambon ang rurok ng Lungkang.
Sabay-sabay na hiniyaw:
Nakubkob ang ating bungad Chang Hui-tsan!
Dalawang daang libong matatag na kawal
Ang kaawayAng lumikha ng asbok pabalik ng Kiangsi.
Milyong manggagawa at magsasaka ang pumukaw
Para kolektibong lumaban,
Sa makatarungang digma sa palibot ng paanan ng Puchou!


*KaMAO
Mga Salin ng mga Tula ni Mao Zedong

Kopyang pang-internet, ipinaskil noong
Disyembre 26, 2013– sa ika-120 kaarawan ni Mao Zedong

Para tignan ang iba pang salin: 


Kung bakit ako umiyak in public

on Monday, December 9, 2013
Okay. Bother na bother na ako this past few weeks. Kailangan ko na itong pakawalan.

Mayroong mahigit 7 Billion population sa buong mundo*. Nasa thousands ang nakilala ko mula sa Pilipinas, habang ang iba naman ay nagmula sa ilang bahagi ng mundo. 

Ilang araw ko na din iniisip, kung paano ko ba maipla-plano na mahanap, makilala at makasama muli sila** sa mga susunod kong buhay (reincarnation; kung totoo man ito o hindi).

Gusto kong gumawa ng isang listahan na naka-table: larawan, pangalan, maigsing paglalarawan kung sino siya**, dahilan kung bakit kailangan ko siyang makasama ulit; tapos ilalagay ko ito sa isang time capsule at itatago ito sa isang lugar na matatandaan ko kapag nabuhay na ako ulit.

Seryoso. Ito ang dahilan kung bakit ako umiyak in public kaninang umaga (buti na lang at napigilan ko ang paghagulgol).

At habang ina-avail ko ang buhay na ito, gusto kong malaman mo na sobrang masaya ako na nakilala kita** at hindi ko malilimutan ang mga pinagsaluhan nating mga kwento't aral sa buhay. Maraming salamat sa iyo**.



*http://www.worldometers.info/world-population/
**mga taong mahahalaga at minamahal ko