Showing posts with label 30day. Show all posts
Showing posts with label 30day. Show all posts

Day 12 - A picture of something you love.

on Sunday, December 1, 2013


Ang apat na bagay na bumubuo sa pagkatao ko.

Travel.
Naglalakbay ang bawat tao para hanapin ang kaniyang hinahanap sa buhay. Ganoon din ako, naglalakbay para buuin ang sarili at sa bawat lugar na aking pinupuntahan ay katumbas ng ilang pahina ng kasaysayan sa aking pagkatao.

Notebook.
Mas kilala ako ng aking mga kwaderno kumpara sa ibang tao. Alam nito kung may kinukubli akong alinlangan o dinaramdam na hindi ko maisatitik sa kaniya. Dagdag pa, hindi siya napapagod maghintay at alam kong kinasasabikan niya ang aking mga kwento.

Planner.
Hindi totoong hindi pa naiimbento ang time-travel machine. Buksan mo lang ang iyong planner, maging day dreamer pansamantagal at i-turn on ang iyong mind-projector; dadalhin ka na nito sa iyong past-present-future.

Computer.
Miserable ang buhay ko kapag wala ito.

Day 11 - A picture of the person you do the most messed up things with

on Wednesday, November 27, 2013
Celebrating our kinder-garden graduation.


Minutes before lola's interment.

Magkababata kami. Siya si J, ang matalik kong kaibigan.

Simula kinder hanggang elementary parehas kami ng pinapasukang paaralan, nagkahiwalay kami noong lumipat sila sa ibang lugar bago kami maghayskul.


Vivid pa din sa akin ang mga pinaggagawa namin simula noong bata. Nakikipaglaro siya sa akin ng bahay-bahayan, lutu-lutuan at mga larong inuulit at may "-an" sa dulo; minsan makikiupo siya sa tabi kapag Barbie ang nilalaro ko, pinangarap din namin na magkaroon ng lalaking Barbie (well, si Ken, yung "boyfriend" ni Barbie) para makasali pa din siya kapag naglalaro ako nito.


Hindi kumpleto ang aming childhood kung hindi kami nakapaglaro sa kalsada. Madalas kaming magkakampi sa patintero, syato, kidlat, agawan-base, baggle-baggle at iba pa. Tinuruan niya ako kung paano magandang pumitik ng teks para umikot ito sa ere; kung paano tumira ng trumpo, na isang beses ko lang naman sinubukan.


Kung hindi kami matatagpuan sa kalsada, nasa loob lang kami ng bahay, nanunuod ng Sailor Moon, Dragon Ball, Power Rangers, Time Quest o ano pang cartoons na pinapalabas sa channel 2, 7 at 13; minsan naglalaro ng family computer, natutulog o nag-aaral.


Natatawa pa din ako kapag naaalala ko kung bakit kami sabay nawalan ng yaya, nagpahabol kasi kami ni J sa kanila, sa buong village. Kinabukasan, wala na kaming bantay.


Minsan din naming ginawang swimming pool ang buong ground floor ng kanilang bahay. Pinagalitan kami ng todo ni tita. (Please take note, umabot ito sa tuhod)


Dahil curious kung ano ang meron sa sigarilyo, sinubukan naming i-roll ang coupon bond hanggang sa maging hugis sigarilyo ito at aming sinindihan-hinitit. Ito ang naging sanhi kung bakit muntik na masunog ang bagong gawang bahay ng tito namin.

Nagmistulang tubig para sa amin ang J&B Scotch Whisky, noong palihim naming binuksan ang koleksyong alak ni Dada. Hindi namin akalain na nakakalasing pala ang alak. (Tinikman lang talaga namin ito, kaso tig-isang baso kami).


Ilan lamang ito sa mga masasaya't 'di malilimutang kalokohang pinagsamahan namin. Hindi ko na isusulat pa yung mga award-winning stories namin.


Paalala: Hindi kami bully, playful lang.

Day 10 - A picture of something you hate

on Saturday, November 23, 2013



IPIS. Pero hindi lang simpleng ipis, kundi FLYING IPIS.

Sa sobrang ayoko sa ipis nag-research ako dati kung bakit ba sila nabuhay at anung silbi nila sa mundo, bukod sa kinaiiritahan ko sila at ginagamit na panakot sa mga bata.

Meron silang iba't ibang lahi, American, German, Oriental, Asian at marami pang iba. Nocturnal ang mga ipis kaya maligalig sila kapag nasisilayan sila ng ilaw, kung meron kang makitang ipis na matigas ang mukhang naglalakad sa gitna ng sahig na may ilaw, paniguradong Asian ang lahi niyan. Proud ee!

At syempre marami silang talent gaya ng play-dead, swimming, lumipad at marami pang iba. May libog din ang ipis, kapag nanggigil sila sa iyo paniguradong kakagatin ka nila, iiwanan ka pa ng kiss mark at higit sa lahat, nagse-seks din ang ipis sa kapwa nila ipis (yes. Nanuod ako ng live sex ng ipis sa kalsada, mahigit anim na buwan na ang nakakaraan).

Pero bakit nga ba may lumilipad na ipis? Bukod sa gusto lang din nilang patunayan na tumitili din (minsan) ang mga lalaki, ito ay dahil malapit na silang mamatay. Ang weird no? Alam na nga nilang mamamatay na sila, papabilisin pa lalo nila ang kanilang buhay, dahil paniguradong pipisatin lamang sila ng tsinelas ng taong nagulat sa kanilang paglipad.

Ang totoo, kaya ayoko at hate na hate ko ang ipis, ay dahil,
1. Malayo pa lang naaamoy ko na may ipis sa paligid. 
2. Lumilipad sila. Nakakasira ng diskarte sa buhay.
3. Dahil alam kong hindi ko sila kayang kitilan ng buhay.



Day 9 - A picture of the person who has gotten you through the most

on Friday, November 15, 2013



Daddy's girl ako. Pero ang totoo madalang lang kami mag-usap.

Mabibilang lang sa dalawang kamay ang mga esenyal na pag-uusap namin kada taon. Ganoon pa man, hindi niya naiparamdam sa akin na malayo siya at mahirap mahagilap.

Elementary ako noong unang magtampo ako sa kaniya. Natatandaan ko pa kung paano niya kinampihan si bunso* sa kagustuhan nitong ilipat sa cartoons ang pinapanuod kong pelikula sa TV. Pinaliwanag naman niya sa akin nang mabuti kung bakit kailangan kong "mag-adjust" sa sitwasyon; may batang kapatid na ako, kailangan kong magparaya-magbigay, umunawa. Syempre sa umpisa nakakaasar, pero, sinikap kong intindihin at ipraktika ang mga paliwanag niya.

Bukod sa pagtuturo sa mabuting asal, kilala din siyang inhenyero at mahusay sa Physics at Math, ngayon ko lang na-realize na hindi pala niya ako tinulungang gumawa ng aking mga takdang aralin simula elementary hanggang sa kolehiyo. Kung meron man siyang itinuro sa akin, ito yung technique sa conversion solution, two methods of problem checking, ang pasikut-sikot ng P=W/T = FV at ang malupit nitong tagubilin na paggamit ng three decimal points sa iyong final answer, para accurate ang iyong computation.

Kung paano siya magmarka ng X sa papel ng kaniyang mga estudyante, ay ganoon din sa mga nanligaw sa akin. Kailanman ay hindi siya naging matapobre, choosy lang talaga siya. At kung may nakilala man siya sa aking karelasyon, dalawa pa lamang ang nakapasa sa kaniyang standards

Higit sa lahat, hindi matatawaran ang kaniyang pagsuporta, pag-unawa, pagrespeto sa lahat ng desisyon ko sa buhay. Mula sa pagdurog ko sa kaniyang puso noong sinabi kong hindi na ako mag-aaral dahil magpupultaym na aktibista na ako; nang masilayan ko muli ang kaniyang ngiti matapos kong matanggap ang diploma;  ang pag-unlak sa mga imbitasyon sa bawat aktibidad at pagtitipon ng mga organisasyong aking kinabilangan; ang pagkinig niya sa aking rants nang minsang dinalaw ko siya sa kaniyang opisina; ang mahalin at ampunin ang mga kasamahan ko sa organisasyon; ang paggiging proud daddy ng isang aktibista;  syempre, kung paano niya palaging ipinapaalala sa akin ang "wastong pagdadala ng mga problema" at marami pang iba.

Daddy, maraming salamat sa lahat. Isa ka sa mga nagturo sa akin kung paano maging maunawain, pasensyosa (though, hindi ko pa ito namamaster), humble; ano ang tunay na pag-ibig; halaga na buo ang pamilya; pagkakaiba ng mabuti at masama, tama at mali. Malaki ang naitulong mo para mahubog ako bilang isang mabuting tao. Mahal kita, Dada. ###



*noong dalawa pa lamang kaming magkapatid.

Day 08 - A picture that makes you laugh

on Sunday, December 16, 2012

Ilang beses na akong naghanap sa albums ko ng pictures. Pero ito talaga ang panalo ee! Walang palya, hindi lang tawa, kundi halakhak ang nagagawa ko.

(circa 2009) Naglalakad kami papuntang Vinzons Hall at bigla siyang nagpose ng ganyan. Take note, hindi pa yan ang bigay todo niyang pag-nganga. :)

I miss you, Inday!

Day 07 - A picture of your most treasured item(s)

on Thursday, November 1, 2012
MOST treasured itemS.
I am a sentimental person. If only I could take a picture of all those slumbooks, notebooks, diaries, picture collage, IDs, collage inside my room, love letters, books, gifts, candy and chocolate wrappers, stuff toys, bags, necklace, bracelets, call cards load, etc., and post it here as TREASURED ITEM(s), I would. But, I just picked some of those. Sorry.


2012 items :)
Except for the two pairs of earrings (I'm wearing that for eight consecutive years! :D)
Tubao: Lulu gave it to me as pasalubong from Davao.
Red phone: Mum's gift.
White phone: <3 phoney. Thanks to Tal.
Star bracelet: From Meloy. It has a twin-necklace with a fish bone pendant! And I gave it to someone speacial.
Cross bracelet: From my beloved Apple.
StarFishBone earrings: Bought those stuffs, ages ago as my gift for myself during my b-days.


90's - early 2000's items :)

Blue egg shaker: It's the other piece of Eiler's egg shaker. He gave it to me last, December 2010.
Guess watch: Kept it for more than two decades! (Couldn't imagine I still have it and kept it that long. Amazing!)
Red Diesel watch: Kuya Jason's gift for my 18th b-day. <3 I miss wearing that watch and that guy.
Motorola phone: It is my first phone and my digits is from Globe Telecom! Haha. I wonder if I can still use that one. I wish. I wish I could. I love old stuffs!
Oval toy: Win gave it to me when we were in second year college. I forgot what it is called, but it's an cutie-handy-toy

Day 06 - A picture of a person you'd love to trade places with for a day

on Tuesday, October 16, 2012


She.


Not only for a day, but each and every time she suffers from asthma, I would.

Just to make sure she'll be alright and enjoy the air we breathe every second. 

Day 05 - A picture of your favorite memory

on Sunday, October 14, 2012
Isa sa masasayang hapon ko kapiling ang mga batang ito. 


Kung hindi ako nagkakamali, taong 2008 ito. Pinaghandaan naming mabuti ang araw na iyan, kani-kaniyang paalam sa mga magulang, pagpapasulpot ng sariling pamasahe para makapunta sa kitaan sa takdang oras.

Dahil stress sa arawang gawain sa publikasyon, mas pinili naming mag-aral sa isang parke para iba at maganda ang ambiance. Iyon nga lang, hindi namin nabigyan ng konsiderasyon na maaaring sumama ang lagay ng panahon. Oo. Biglang umulan. Nakipag-patintero kami sa bawat patak at umindak nang paulit-ulit sa kada ritmong nililikha ng ulan.

Kahit hindi namin natapos ang pag-aaral (hanggang ngayon hindi pa rin namin ito natatapos pare-pareho) naging masaya kami sa araw na ito, na nauwi sa kwentuhan, tawanan, biruan, pictorial at nanatiling agit at sinsero, dedikado, masikhay sa paggampan ng aming mga tahas at gawain.

Day 04 - A picture of your night(something you did that night)

on Saturday, October 13, 2012

Kanina pag-uwi ko galing hospital, agad akong pumasok sa aking kwarto at binuksan ang laptop. Plano ko na kasi tapusin ang mga gawaing hindi ko pa natatapos.

Dahil sa hindi ako makapag-simula ng trabaho na magulo ang paligid, inuna ko ng linisin ang files ko sa laptop. At kumain ito ng mahigit-kumulang apat oras. Kaya naman, maliit lang ang output ko ngayong gabi.

Hindi ko na kaya. Matutulog na ako. Maagang maaga pa ako mamaya. :) Good mornight. 

Day 03 - A picture of the cast from your favorite show

on Friday, October 12, 2012
It's been ages now, since the last time I turned on the TV.
Sorry. 

Day 02 - A picture of you and the person you have been closest with the longest

on Thursday, October 11, 2012

Sina Meloy and Tonet. Hindi na kailangan pang isalaysay ang bawat kwentong sama-samang pinagtawanan, iniyakan, pinag-awayan, problemang hinarap at niresolba (buhay pag-ibig, pamilya, pagkilos, pag-aaral at maging pinansya).

Maraming salamat sa bawat araw na kapiling ko kayo. Pinapasaya niyo ako kahit sa panahong gusto ko mag-moda ay hindi magaganap dahil papatawanin niyo ako. :) Mahal ko kayong dalawa. 



Day 01 - A picture of yourself with ten facts

on Wednesday, October 10, 2012


<3 Violet.

<3 Stars.

<3 Fish bones.

<3 The Beatles.

<3 Chocolates.

<3 read and write poems.

During my spare time, I'll just lock myself in my room and sleep all-day, watch good movies (even cartoons will do), eat, read, and write.

A dreamer.

A lover.

An activist.