2nd year Maguindanao massacre commemoration
Magandang gabi
Bago ako matulog
sasandal muna ako sa pader
dahan-dahan ipipikit ang mga mata
at lilikha ng mga kwento, natin.
sana.
makatulog ako ng mahimbing
at
managinip ng pag-ibig.
sasandal muna ako sa pader
dahan-dahan ipipikit ang mga mata
at lilikha ng mga kwento, natin.
sana.
makatulog ako ng mahimbing
at
managinip ng pag-ibig.
Hindi na ako high school
Kaya ititigil ko na ito at itutulog na lang.
Patience is a virtue. . . (sana)
Patience is a virtue. . . (sana)
kasi gusto kita
gusto kong makita ang iyong mga mata.
kung paano nito sinisipat ang pag-aalinlangan,
kung paano nito sinisilayan ang kawalan--
hanggang sa magsalubong ang ating mga mata.
gusto kitang titigan.
habang nakatingin ka sa malayo
habang nagkwe-kwento
hanggang sa arestuhin mo ako sa ninakaw kong sandali.
kung paano nito sinisipat ang pag-aalinlangan,
kung paano nito sinisilayan ang kawalan--
hanggang sa magsalubong ang ating mga mata.
gusto kitang titigan.
habang nakatingin ka sa malayo
habang nagkwe-kwento
hanggang sa arestuhin mo ako sa ninakaw kong sandali.
Hello Peti-B na umaga
Ilang araw na ding dalawa hanggang apat na oras lang ang tulog ko. Hindi ko din alam ang tunay na dahilan bakit hindi ako makatulog ng maayos. Siguro, sira pa rin ang body clock ko gawa noong mga nakaraang aktibidad.
Pero, ganoon pa man, kahit may ilang oras akong tulog pakiramdam ko sa tuwing ako’y babangon ay pagod na pagod ako. Kulang na lang ay itali at lagayan ng kahit anong pandikit ang likuran ko maihimlay lang sa kama ang pagal kong katawan at palagyan ng tape ang aking mga mata.
Kaya siguro, mabilis lang ako maubusan ng energy. Kahit sa simpleng pakikipagkamustahan parang daig ko pa ang naghihingalong battery ng paborito kong cellphone. Actually, medyo sumakit ang ulo ko sa pakikipagusap sa ilang tao kahapon. Mulang tanghali hanggang gabi, iba’t ibang kontradikson ang pinagusapan namin. Iisipin at bibigyan ng resolusyon kung ano ang pwedeng gawin para solusyunan ang mga ito.
Ok naman sa akin iyon. Walang problema doon. Masaya nga ako’t nakakatulong. Pero, sa kabilang banda, hindi maiwasang malungkot minsan (madalas pa nga siguro), ang makaramdam ka ng parang walang nag-aalala sa iyo (swempre, bukod sa pamilya), walang nagtatangkang marinig ang mga kwento ko, walang gustong mangamusta sa akin bukod sa mga 10 years (literal) ko nang hindi nakikita. Yung tipong, makikipag-kwentuhan sila sa iyo? Yung simpleng, kakamustahin din ang araw mo? Kung ano na ang plano mo? Alam mo yung ganoong feeling?
Oo, 2-way ang lahat ng bagay. Kaya, kahit wala siguro sa kaniyang hinagap ee, sinasabi ko na lang ang ilang balita sa akin. Kung kamusta ako. Ok na din naman. Pero, may pero pa rin ee. Hindi ako sanay na walang kakwentuhan. Actually, kailangan ko ng mga bagong ideya (Gawain man yan o walang katuturan na mga bagay) na galing sa mga bago’t lumang kakilala, kausap, kadaldalan, kakwentuhan, masa man o tibak pero mas Masaya kung masa ang kausap mo, lalo na kung Gawain ang pag-uusapan ninyo. J
Wala. Hindi ko din alam ang gusto kong sabihin. Gusto ko lang talaga ng kausap. Seryoso.
Gusto ko ulit gawin yung, maglalakad pauwi. Pero, tatambay muna sa isang lugar, uupo sa sidewalk, magyoyosi habang nagfo-food trip tapos kwentuhan. Solved! Masayang Masaya na ako sa ganoon. (Gusto ko nga, ang problema, hindi ko magawa. Sa anumang dahilan? Marami. Maraming marami)
[At habang nagsusulat ako nito. Bigla ko nalang narinig ang sabi ni Mami sa utol ko. “May good news ako, si Anna may crush,” grabe naman. Hindi ko din alam, kasi kung bakit random ko lang sinabi iyon kanina kay mami ee. Wala naman akong plano sabihin sa kaniya kanina, kasi alam kong aasarin lang niya ako. Tapos, pag-uusapan pa nila ako ng utol ko. At talagang maririnig ko pa talaga. At talaga bang good news yon? Haggard.]
Edi ayun na nga, gusto ko gawin ang mga bagay na matagal ko ng hindi nagagawa. May ilang beses ko na din naisip na gusto ko aralin yung mga subjects ko noong nasa college pa ako. Sa ano mang dahilan? Wala. Gusto ko lang. Hindi ko na din kasi talaga maalala kalakhan ng mga pinag-aralan ko ee. Kahit nga siguro formula ay hindi ko na din maalala. Ang saklap. Hehe.
Nag-try na din ako dati na magsit-in sa College Algebra class ng dati kong professor (medyo maluwag pa ang schedules ko noon) pero, dahil umaga ang klaseng ito at palagi akong madaling araw kung umuwi, hindi din ako nakakapasok sa klase. Haha. Siguro, isang beses lang ako nakapasok. Ang aga kasi ee. Meron din naman sa hapon, kaso, ibang subject na yun pang 4th year, ang dahilan naman sa hindi ko pagsipot sa klase niya ay nasa kalagitnaan na iyon ng pakat hours.
Kinausap ko din ang teacher-tito ko na magsit in ako sa kaniyang klase tuwing Sabado. Basic Photography. Hindi ko din nagagawa. Hehehe. Sa parehas na dahilan. Pero, kung tutuusin, sa ilang taon ko sa Guild, palagi naman iyon present sa lahat ng binibigay sa Journalism Skills Training, hindi lang ako talaga nakakaupo. Hehehe.
Siguro dahil hindi ako maka-get over sa mga kausap ko kahapon hinggil sa kanilang mga pag-aaral, at ang nababasa kong mga blog entry na hinggil din sa kanilang pag-aaral. Aba! Kinuha ko nga ang prospectus ko. Tinignan ko kung ano ang mga gusto kong aralin ulit (bukod sa pag-ibig! Chos!):
1. College Algebra – 5 units
2. Plane ans Spherical Trigonometry – 3 units
3. Analytic and Solid Geometry – 3 units
4. Differential Calculus – 5 units
5. Integral Calculus – 5 units
6. Differential Equations – 5 units
7. Computer programming – 3 units
8. Engineering Statistics and Probability – 3 units
9. Mechanics of rigid bodies – 5 units
10.Mechanics of non-rigid bodies – 3 units
11.Data structure and algorithm analysis – 3 units
12.Electrical Circuits (AC and DC) – 8 units
13.Electromagnetics – 3 units
14.Advanced engineering math – 3 units
15.Thermodynamics – 3 units
16.Communication Theory – 3 units
17.Logic and circuit and switching theory – 4 units
18.Computer system and organization with assembly language programming – 4 units
19.Structure of programming language – 3 units
20.Microprocessor systems – 4 units
21.Computer system architecture – 3 units
22.Advanced logic circuits and designs – 4 units
23.Control systems – 3 units
24.Numerical methods – 3 units
25.Operating systems – 4 units
26.Inout/Output and memory system – 3 units
27.Data communications – 3 units
28.Discrete mathematics – 3 units
29.Computer networks – 3 units
30.Elective 1-3 – 6 units
31.Workshop 1-4 – 4 units
Sa suma, 114 units ang lahat ng ito. At dahil sa nakita kong 114 units. AYOKO NA! Lalo na akong tinamad aralin silang ulit. Hehehe. Sapat na ang 5 taon ko sa kolehiyo. Kalakhan din naman sa mga yan ay hindi ko naipra-praktika sa araw-araw kong buhay ee. J
Pero, minsan, gusto ko aralin kahit algebra at trigo. Promise. Seryoso. Namiss ko ‘yun. Namiss ko ang sin and cos. Hehehe. Ang pagcompute sa mga diameter, radius, angle. Namiss ko na nga din ang maliit kong orange bible ee. Aba, simula high school kapiling ko na ito. ipinamana ko na nga lang sa isang kaibigan at yung isa ay sa utol ko.
Ang dami kong gustong gawin, pero, tinatamad akong gawin iyon. Mas gugustuhin ko na lang matulog, kumain at manuod ng movies sa mga panahong pagod ang utak at katawan.
Sabi ko nga noong isang gabi sa isang kaibigan, ang pinaka gusto kong gawin bago magsara ang 2011:
1. Matulog at kumain ng maayos
2. Bisitahin ang dentista at kamustahin siya kung ano na ang balita sa mga ngipin ko’t gusto ko ibalik si kislap (braces)
3. Bisitahin din ang doctor ko. Alamin kung ok pa ba ang katawan ko at bakit lumalala ang allergy ko?
4. Mag-travel. Pumunta sa mga lugar na gusto kong puntahan. Yung hindi ko iisipin ang Gawain for 2-days. (pasok na din dito ang pakikipagkwentuhan sam kung sinu-sinong tao)
5. Kitain ang kaibigang matagal ng hindi nakikita
Pero, sa pinakadulo pa rin. Wala naman akong ibang gustong maganap kundi makapiling ang masa. Ngiti at tawa palang nila kahit anong pagod at ilang araw na walang tulog at Makita mo silang nagdedevelop, malilimutan mo na ang depinisyon ng pagod, puyat habang malalaman mo naman ang depinisyon ng sakripisyo at rebolusyon. J
1. Iniisip ko, what if, magpasalin na lang ako ng dugo dahil wala na talaga akong dugo. L Ilang buwan na ang ganito aa! L
2. Sisikapin kong hindi na reglahin dahil sa inyong lahat. Para maging normal naman ang pagregla ko sa totoong buhay.
Moda bago matulog
Nagliligawan ang mga pusa ngayong madaling araw.
Nakikipag-ulayaw naman ang bituin sa buwan
at
Nakikipagniig ang umaga sa gabi.
habang,
Ako’y nananatiling nananaginip ng gising.
Dibuho
sulat kamay ni
Anna Tolentino
at
4:36 AM
Ipipinta kita sa aking isip.
Detalyado't masinsin.
Huwag lang mabura sa aking paningin ang iyong imahe.
Patuka sa madaling araw na byahe
sulat kamay ni
Anna Tolentino
at
4:30 AM
Ilang kilometro na kaya ang nalakbay ng aking mga guni-guni?
Tila dekada na akong naliligaw sa kawalan.
Marami na din na kilala’t nakatagpo
Mula sa aking sariling mundo.
Kathang isip lamang ba ang lahat ng ito?
O, sadyang hindi ka lang mawalay sa aking isipan?
Haaay. Gusto ko magtravel na hindi alam ang paruruonan, hanggang sa magtagpo muli ang ating landas. Gusto kitang makita.
Para sa isang makata't kwentista
Sana naalimpungatan lang ako sa aking pagkakaidlip.
Upang madaling malimot ang masayang panaginip na kasama ka.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Ang may akda
- Anna Tolentino
- Baligtad ako magsulat sa aking kwaderno. Kulay lila lang ang makikita mong tinta sa lahat ng pahina nito.
geepayb. Powered by Blogger.
-
Sa bawat pahina ay may kwentong nabuo.At ang kwadernong ito ay binubuo ng mga pahina na gawa sa likhang-isip at buhay na kwento ng isang aktibistang nagmamahal.