Isang patuka sa madaling araw*

on Saturday, August 13, 2011
Ilang araw na din akong hindi kumakain ng maayos at sapat. Wala akong ibang bukam-bibig, kundi ang “nagugutom na ako.”

Kani-kanina lang matapos naming pagsaluhan nina Tonet at RJ ang ampao na burger sa kanto, naitanong ko sa kanila kung bakit parang hindi ako masaya ngayon, kumpara dati. Full-time ako noon, wala laging pera, pero nakaka-pakat (nakaka-ikot pa ako sa buong NCR para mag-hop, madalas gutom at palaging nalilipasan ng gutom pero nagagawa ko pa ring maging masaya).

Dati,

Alas sais ng umaga, gising na ako noon. Matapos maghilamos at toothbrush, dideretso sa kabilang bahay para magdesisyon kung ang P10 ko ba ay ibibili ko ng: yosi at hopia? O yosi at kape? Kailangan ko kasi magtira ng P6 para sa makasakay ng jeep papuntang Lardizabal para kulang-kulang 30 minutes na lang ang lalakadin papunta sa aking erya.

Buong maghapon nasa erya lang ako. Umiikot. Nagho-hop sa iba’t ibang publications. Kung may magpapatak sa akin, hindi ko ito ipangkakain. Itatabi ko lang muna ito at kailangang matiyak ko na may baon akong P10 para kinabukasan pambili ng yosi o hopia at pamasahe papuntang Lardizabal.

Gabi na ako uuwi. Pagdating sa opis, maglilinis lang ng katawan tapos matutulog. Minsan, hindi ko na magagawa pang maglinis ng katawan dahil sa sobrang pagod.

Hindi ko din alam kung paano ako nabuhay sa ganyang kalagayan sa loob ng maraming taon. Pero, kada araw, kahit anong hirap o daming problemang kinaharap nananatili pa rin akong masaya, laging naka-ngiti at tumatawa.

Sa kabila ng lahat ng kagutuman ko noong mga panahon na yun, isang tao lang ang minahal ko talaga ng husto dahil sa pagiging TAO niya.

Alam kung sino? Si Jose Cosido.

Alam mo kung bakit?

Kasi, ganito yun:

Kadalasan kasi, kapag gabi na, hindi na dumadaan si Jose sa HQ. Pero, iba ang gabi na iyon.

Maaga ako natulog dahil sa buong araw na pagod at walang kain. Ginising lang ako ni Jose para iabot niya sa akin ang pasalubong niyang 1 piece chicken joy. Galing daw yun sa ka-meeting niya. Naisip daw kasi niya na hindi pa ako kumakain, kaya inihatid niya yun sa HQ.

Syempre, natuwa talaga ako. Kasi, makakakain na ako. Pero, hindi ko sinolo ang 1 piece chicken joy na iyon. Kahit na alam kong hindi kakasya iyon para sa lahat ng taong andoon, pinaghatian din namin iyon ng ibang kasama (ang naaalala ko na lang na nakahati ko doon ay si Pranses).

Swempre, hindi lang naman si Jose ang ganyan sa akin, sa AMIN. Andyan din sina Vijae at Heidi. Kapag nalaman nilang nagrerebolusyon na ang aming mga tyan, magby-byahe pa sila ng ilang oras mula sa ibang probinsya para maihatid din ang isang balot ng healthy groceries. 


Mahal namin ang bawat isa, ano?


Ee, alam mo ba kung gaano ko din ka-mahal ang mga ka-groupmates ko sa Guild?

Umuwi ako noon sa bahay namin, habang sina Gerg, Vijae, Jose at iba pa ay nasa staff house.  Wala akong cellphone dahil saktong nag-lowbatt ang phone ko at brownout pa.

Alas syete na ng gabi, tska lang muli nagkaroon ng kuryente. Syempre, doon lang din ako nakapag-charge ng battery ng cellphone. Nang magka-karga na ang battery nito, doon ko lang din nabasa ang text message sa akin ni Gerg. Alas-tres ng hapon pa niya iyon ipindala.

Nagtatanong siya, kung pupunta daw ba ako sa staff house namin. Dahil, gutom na gutom na daw sila, magdala daw ako ng pagkain.

Edi syempre, nagkukumahog naman ako sa pagbabalot ng kahit anong mahawakan ko na maaari nilang makain, dahil, anong oras na’t alam kong hindi pa sila kumakain hanggang sa mga oras na iyon.

Alas otso na na din ako nakarating sa staff house. At tama nga, doon palang sila makakain.

Hindi ko alam, pero habang sinusulat ko ito umiiyak ako. Silang mga unang ka-groupmate ko, sila ang nagturo sa akin maging isang tunay na tao. Gayun din, ay kung paano at ano nga ba ang ibig sabihin ng collective living.

May pagkain o wala, may pera o wala, masaya man o malungkot, nagtatawanan, nagdadautan sa kabila ng aming kani-kaniyang mga problema sa buhay habang sabay-sabay na nireresolba ang mga problema ng Guild.



Para kina:
Tonet, Meloy, RJ, Gidget at Pher
Kaya yan! Huwag lang bibitaw.

Gutom much!

on Friday, August 12, 2011

Ang sabi kasi,


1. Avoid unnecessary sacrifice. 


2. Kung nauubusan ng rekurso, maging   


   resourceful.






Ang hirap mag-isip kung paano maging mapamaraan 


upang maiwasan ang unnecessary sacrifice kapag 


ilang araw ka nang hindi kumakain ng maayos at 


sapat. Gutom na gutom lang talaga ako. :D


Personality Test

on Friday, August 5, 2011
Pagod ako buong araw dahil sa meeting marathon. Nawala ang pagod ko nang i-press ako ni Tonet habang pinapasagutan nila ni jumper boy ang isang personality test. Hanggang sa, naka-limang test na ata ang nasagutan namin.


Well, anyway, ito ang result sa aking last na sinagutan namin:


You're an ESTJ

ESTJ

You like to roll up your sleeves, dig in and go right at getting the job done. you use logic and analysis as guiding principles in your life. You're quick to decide and set out a plan of action. You make sure commitments (your own and those of others) are honored and the job gets done.

You value team sports, and other group activities. If something is the tradition of your job or school, you'll take part in it. You know that you have to "earn your keep" and take responsibility for yourself...you take your roles seriously (father, employee, student, or whatever).

You learn best in structured settings...you're a take charge kinda person.. you can deliver when there's a specific task with deadlines...you have an orderly and logical way of evaluating things..

You like a task-oriented and structured atmosphere...you get a thrill outta accomplishments and just having finished something...efficiency is important to you....with you, "what you see is what you get."

You are the prototypical leader. You give advice freely, you take charge, you wanna fix the problems...you are quick, direct, and crisp at getting to the core of the situation...others might look at you as tough, driven, or heartless, though..

You put work before pleasure, and know when to do which...fun time is often seen as a reward for accomplishing a task... you don't just go for walks.. the walk hasta have a purpose...

Love means stability and steadfastedness...however, when you fall in love, this is pretty much the only time you'll be flexible and spontaneous... you expect security and loyalty in relationships...you logically expect that a relationship will have its ups and downs, so let the other person weather the tough times, when you should be helping perhaps...you don't like to let others see your hurt feelings....you're supersensitive to being rejected and may not always share that hurt...

Things to watch for: you might decide too quickly and to form opinions how things "ought to get done." But what happens when circumstances change? Also, don't walk on others feelings...it's part of working with others and you don't particularly consider this part often...when you get emotional and you've been holding stuff inside, a seemingly minor incident will set off an explosion...don't forget to consider others' values and opinions.

ESTJ: "Execution Saves The Job"


Well, kung bet mo din magmamasagot, ito ang link: http://haleonline.com/psychtest/

Sana masagutan mo din. :) Gnyt! Tulog na ako.. Zzzzzzzzz.