Laid-back

on Monday, September 24, 2012

Ang sabi nila, kapag nanaginip ka at natatandaan mo ang bawat single details ay hindi ka stress. Pero, parang kabaliktaran naman ito sa mga nalaman kong interpretation. Haha. Ang funny lang kasi, medyo malapit siya sa reyalidad. :)

Last night
Kulang-kulang isang oras at kalahati ang nilakad ko bago kitain ang isang matagal ng kaibigan, si Dayan. Sinadya ko ding ibahin ang daan para hindi madaanan ang isang bahay. Nauna siya ng 30 minuto, kaya naman nang marating ko ang opisina namin, nagkukumahog na ako sa pagkuha ng gamit na pinabili niya sa akin noong Mayo pa.

Wala pang 15 minuto nang magtagpo na kami. Nilibre niya ako ng doughnut at kape. Kahit marami siyang kinuhang creamer at asukal, wala akong nilagay. Mas gusto ko ang kapeng walang asukal. Hindi lamang limang beses pumasok sa isip ko na mag-yosi, nagtagumpay naman ako na hindi magyosi.

Ilang oras din kami nagkwentuhan sa mga bagay-bagay at sa panahong din iyong ilang beses din akong kinukulit ng mga kabarkada ko na pumunta na sa bahay nila Chanchan dahil bday niya (isa siya sa bestfriends ko). Past 10:00pm na ako pumunta sa kanila. Naka-framework din na hindi ako iinom ng beer o anumang alak, kahit na anong pilit o alok nila. Ang hindi ko nga lang nagawa ay ang hindi magyosi.

Okay naman na sana pero napa-yosi ako dahil sa isang tao. Ang kulit kasi ee. Malapit na akong mapikon at ayokong gumawa ng eksena kaya nag-yosi na lang ako. For that, naka-apat na stick ako ng yosi. L Sayang ang 47 hours na walang yosi. Past 12:30am na ako umuwi. Mabilis ang byahe. Walang traffic. Habang nasa byahe nagse-set na ako ng mga gagawin para bukas. Syempre, ni-remind ang mga ka-groupmates na may meeting kami bukas para sa nalalapit na island wide convention.

Pagdating sa bahay, nagcheck ng emails at nag-reply. Nag-try manuod ng movie pero nakatulugan at hindi natapos.

Dream
Nasa isang amusement park kami. Kasama ko ang ilang kaibigan at kakilala (hindi ko na matandaan ngayon kung sinu-sino ang mga kasama ko). Tapos, paakyat ako sa isang waterslide. Bago ako pumunta may naunang guy sa akin na umakyat. Expecting na pag-akyat niya ay magslide na siya. Pero to my surprise, hindi pa siya nag-slide and siya ay naked. So, ang sabi ko daw sa kaniya, "Ano ba, mag-slide ka ba o hindi?" Ang ending, bumaba na lang siya at ako ang naunang nagslide.

Tapos nag-shift na ang scenario. Napunta ako sa isang lugar na pamilyar na pamilyar sa akin. Nakasakay kami sa bike (nasa 3-6 na katao ang nakasakay dito, including yung nagpapadyak ng bike. At isa lang ang nakita kong mukha sa kanila, yung kapatid ko), nasa likuran kami ng kapatid ko. Sinasabi niya sa akin ang problema ng kaniyang laptop, then, nag-offer akong aayusin ko ito HABANG NASA BIKE KAMI. So, sa madaling sabi, inaayos ko ang kaniyang laptop habang nagbya-byahe kami.

Pag-open ko sa laptop, nakasagap daw ng Wifi, kaya nag-try ako na mag-connect sa laptop dahil may kakausapin daw ako. Until, may nadaanan kaming mga batang kalsada na nagpla-plano hold-up-in kami. So for that, inabot ko sa harapan yung laptop at pinapatago ko kung sinuman ang may bag na kakasya ang malaking laptop at sinasabihan ang nagpapadyak na bilisan niya pagpipidal nito. Para mas bumilis din ang andar namin, ginagamit na din namin ng aking kapatid ang aming paa para itulak ang sinasakyang bike. Yun nga lang, bago dumating sa EDSA, nasira ang bike. Pero hindi naman kami naabutan ng mga batang kalsada.

Mula doon, sumakay kami ng jeep para puntahan yung lugar na pupuntahan ko. Yes! Isang meeting ito. Isang 2-storey na bahay, medyo maliit pero kakasya naman ang 30-50 katao para sa isang “masayang” meeting. Matagal bago magstart ang meeting dahil inaantay pa ang maraming tao. Yung mga taong dadalo sa pulong ay may kani-kaniyang dalang pasalubong at pagkain. Excited ako sa meeting, meron akong isang taong inaabangan at gustong makita. Noong dumating siya, masayang masaya ako. Hindi kami nakapag-usap agad dahil may tumawag sa telepono, may hinahanap na ibang tao. Dahil nakilala ko naman kung sino ito (ang madalas kong makapalitan ng mga taludturan sa text), ay ibinigay ko daw ang direksyon kung paano pumunta sa venue namin. Wala akong ibang sinabi direksyon, kundi, “mula dyan, diretso lang, kapag nakita mo yung store, diretso pa din. Kaliwa sa ikalawang kanto, tapos diretso lang. Yun.”

Pagkababa ng telepono, hindi ko alam kung bakit ako lumabas ng bahay para maglakad-lakad. May kasama akong babae na matagal ko ng hindi nakikita. Parang nasa isang subdivision kami, wala gaanong tao sa mga kalsada, puro halaman ang paligid pero walang puno. Ang ginawa namin, namitas kami ng dalawang malalaking bulaklak at na may kulay Red and Yellow. Matapos noon, pumasok kami sa isang bahay para uminom ng tubig, bago umalis binilinan ko ang kasama ko na hugasan ang kaniyang pinagkainan (weird kasi uminom lang kami ng tubig, diba? Haha).

Tapos. Nagising na ako. Haha.


Interpretation
Amusement Park 
To see or be in an amusement park in your dream indicates that you need to set some time for more relaxation and enjoyment in your life. The rides, booths and elements in the amusement park are an expression of some aspect of yourself or some area in your life. Look up the symbolism of specific rides for more details. Alternatively, the dream indicates that you are too easily distracted lately.


Waterslide 
To dream that you are on or see a waterslide suggests that you are being carried away by your emotions. You are being engulfed by your subconscious. Alternatively, the dream indicates that you are going with the flow of things without any objection or resistance

Naked 
To see a naked person in your dream and you are disgusted by it represents some anxiety about discovering the naked truth about that person or situation. It may also foretell of an illicit love affair, a loss of prestige or some scandalous activity. On the other hand, if you are accepting of someone else's nudity, then it implies that you can see right through them and their intentions. Or perhaps, you are completely accepting them for who they are. If you do not care about someone else's nudity, then it suggests that you need to learn not to be afraid of rejection.

Laptop 
To see or use a laptop in your dream represents your need to reach out and communicate with others in any circumstance.

Bicycle 
To dream that you are riding a bicycle signifies your desires to attain a balance in your life. You need to balance work and pleasure in order to succeed in your current undertakings. If you have difficulties riding the bicycle, then it suggests that you are experiencing anxieties about making it on your own.

Walking 
To dream that you are walking with ease signifies a slow, but steady progress toward your goals. You are moving through life in a confident manner. Consider your destination.

Meeting 
To dream that you are in a meeting suggests that you need to redirect your energies toward a more productive endeavor. Alternatively, the dream means that you are learning to accept various aspects of yourself and integrating them into your personality.

Flower 
To see colorful flowers in your dream signify kindness, compassion, gentleness, pleasure, beauty, and gain. It is also symbolic of perfection and spirituality. Your dream may be an expression of love, joy and happiness. Alternatively, flowers in dream, especially if they are blooming represent your hidden potential and latent talents. Flowers can also denote a particular time or season. If the flowers are white, then it symbolizes sadness. Consider the color of the flower and the type of flower for additional analysis.

Dishes 
To see dishes in your dream represent ideas, concepts, and attitudes. The dream may be a pun on the things you are "dishing" out to others. Or it could describe someone you are interested in as in someone who is a "dish". Perhaps it is time that you make the first move. If the dishes are dirty and unwashed, then it signify dissatisfaction and an unpromising outlook. You may have overlooked some problems in your life or you have not confronted your emotions.


Makikita ang dream dictionary sa: http://www.dreammoods.com/dreamdictionary/