Dagat Pasipiko

on Friday, December 21, 2012


I.
Kung gising ka ngayong hating gabi
marahil nakatingin ka sa langit.
Pinagmamasdan ang bawat bituin.

Marahil tatanungin mo
kung saan bituin ako naroon.

Habang ako
ay nasa dalampasingan
hinahanap sa dagat
(hinahanap ko)
kung saang bituin kita matatagpuan.



II.
Sa dulo ba nitong dagat Pasipiko
matatagpuan ko ba kahit ang anino mo?

Kaya ko kayang bilanganin
ang bawat paghampas ng alon sa alon?

Kaya ko bang sukatin
ang lalim ng dagat na ito?

Kaya ko ba?

Kaya ko bang tawirin ang dagat Pasipiko?

Paano?


Paano?




III.
Sabi nila
ang kulay Luntian na tubig ay mababaw.
Habang ang Bughaw ay malalim.

Sa gitna kaya nitong dagat Pasipiko
anong kulay kaya?

Gusto ko malaman
kung anong kulay ang namamagitan sa atin.


December 19, 2012
Punta Gravida, Pagudpod, Ilocos Norte

Para kay D

on Sunday, December 16, 2012

Mistulang

a
             l
     i
           t           a
                   t
          a
      p


ang mga ilaw
sa abalang siyudad.

Hindi alintana
ang musika
na
nililikha
ng mga
busina
mula sa

i
b
a
b
a
.

At
tanging
Oyayi
ng mga
kuliglig
ang
karamay sa
pagmuni-muni.



Inaalala ka bawat sandali.



Ika-8 ng Nobyembre 2012
Antipolo, Rizal


Photo from: http://farm6.staticflickr.com/5043/5299133193_bd7a7810fc_z.jpg



Day 08 - A picture that makes you laugh


Ilang beses na akong naghanap sa albums ko ng pictures. Pero ito talaga ang panalo ee! Walang palya, hindi lang tawa, kundi halakhak ang nagagawa ko.

(circa 2009) Naglalakad kami papuntang Vinzons Hall at bigla siyang nagpose ng ganyan. Take note, hindi pa yan ang bigay todo niyang pag-nganga. :)

I miss you, Inday!