Toma

on Sunday, October 2, 2011
Sumasayaw ang usok at alipato

ng sigarilyong katalik ng aking mga labi.

Habang ang titis nito’y nagpupumiglas

kasama ng mga talata na hindi mai-sambit sambit.

01.10.11 23:32


Ibubuhos ko
sa hubad
    mong katawan
               ang laman
                   ng basong
                         malamig
                                    ang
                                     pawis.

Hahagkan, didilaan ko ito ng buong pagmamahal.

Sapagkat, gaya ng pagkauhaw sa alak, tigang ako sa iyong pag-ibig.

02.10.11 00:06

0 mga pandadaot:

Post a Comment