kasi gusto kita

on Friday, November 11, 2011
gusto kong makita ang iyong mga mata.
kung paano nito sinisipat ang  pag-aalinlangan,
kung paano nito sinisilayan ang kawalan--
hanggang sa magsalubong ang ating mga mata.


gusto kitang titigan.
habang nakatingin ka sa malayo
habang nagkwe-kwento
hanggang sa arestuhin mo ako sa ninakaw kong sandali.

1 mga pandadaot:

Post a Comment