Sa aking paglisan

on Monday, December 26, 2011
Iiwan ko ang lahat
ng
alaala
na
kasama ka.

Para kung sakaling hindi na muling magtagpo
kaya kong maglakad. [Mabilis. Matulin. Mabilis. Matulin na paglalakad]
Hindi 'yung lakad ng mga magkasintahan sa Luneta
o
maglakad na parang nasa buwan

habang
inaalala
na
kasama ka.

Class love

on Friday, December 23, 2011
Teena: Bakit may ganoon, te?


G5: Ganoon ang pag-ibig sa movement ee. Kailangang maging pasensyoso.Kailangang maging maunawain.Kailangang magsakrispisyo.Hindi para sa sarili mong kaligayahan, kundi para sa ikakaunlad ninyong dalawa para sa kilusan.


Teena: :)


G5: Kaya, hihintayin ko siya. Tutulong sa kaniyang pag-unlad. Kasi, sa kilusan, hindi lang naman kayo nagbubuo ng relasyon. Kundi, nagbubuo kayo ng pangarap kung paano papalayain ang lipunan.



*Isang sipi sa aming kwentuhan ni Teena
December 15, 2011

Negatron

on Wednesday, December 21, 2011
Maigsi ang pasensya ko.
At kailangan ko na din aralin kung paano pa ito papahabain.

Mainitin ang ulo ko.
At kailangan ko na din aralin kung paano kontrol ang init ng ulo.

Wala akong panahon sa mga biruan.
At kailangan ko na din aralin kung paano maki-ride sa jokes.

Boring ako na tao.
Pero ayoko maging adbenturista para hindi ako maging boring.

Hindi sa lahat ng panahon ay gusto ko ng pol na usapan,
dahil buong araw ay puro pol ang inaatupag at ginagawa ko.
Hindi sa ayaw ko na ng pol,
kundi, gusto ko lang ng bagay na iba naman ang pag-uusapan.

Sorry. Kung disappointing. Nasagad lang talaga ako ngayong araw.

Krisis

on Sunday, December 18, 2011
Gusto ko na matulog para makasama ko siya muli sa aking panaginip.
Ngunit, nais kong manatiling gising at balik-balikan ang alaala na kapiling siya.

Kapag natapos na ang mga gawain

on Tuesday, December 13, 2011
Isusulat ko agad ang mga kwento ko
Isusulat ko agad ang mga tula
Manunuod agad ng mga pelikula
Matutulog nang mahimbing sa loob ng tatlong araw
Bibisitahin ka, araw-araw.

Kung paano magtayo ng kubol

Kung paano magtayo ng kubol
Anna Tolentino


I.

Itayo ang haligi
sa taktikal na pwesto
at ilapat sa lupa
ang mga kondisyon ng

L A K I

H

A

B

A            

L              A             P             A             D

II.

May ilang ulit din dapat
Ipulupot ang tali
Bago ito ibuhol sa haligi.
Kung kapusin man,
maging mapamaraan at
habaan ang pisi.

Kailangang
mahigpit ang pagkakatali nito
sa bawat kanto
upang
hindi madaling mabuwag
ang kubol.

III.

Panahon na
para
itapal
ang
trapal
na

                             E       P       E
                   D                                    N
          E                                                       S
D                                                                          A

                                 
                                  T


                                  I


                                  T


                                  I


                                  N


                                  D


                                  I


                                  G

sa panahon ng mga unos.


*Alay kina camper Sakne, camper kuya Tom, camper Brutus at sa iba pang marshals at master campers

13 Disyembre 2011
Quezon City