Alam mo ba kung paano magmahal
ang isang aktibista?
Gaano man kahaba ang kaniyang
nilalakbay,
Handa siyang maglakad ng ilang
kilometro
Masulyapan ka lang kahit saglit;
Sa panahong hindi siya makausap,
Ang hangin ang kaniyang kuryer
Maipabatid lamang sa iyo
Ang kaniyang pangangamusta;
Huwag mababahala
Kung siya ay hindi mahagilap,
Sapagkat,
Siya ay nasa kanlungan ng masa
At taimtim na nakikinig
Sa mga pinagtagpi-tagping sanaysay
Kung paano sila
Inaalipusta at
pinagsasamantalahan ng naghaharing uri;
At sa bawat masang nakakadaupang
palad niya’y
Baun-baon niya ang mga ngiti at
pasasalamat
Mula sa kaniyang bagong nanay at
tatay
Na handa nang
Tumindig. Lumaban.
At sumulong para paglingkuran ang
samabayanan.
At bago magtakip-silim,
Paniguradong
Wala ni isang detalyeng
makakaligtaang ibahagi
Sa kaniyang iniibig
Kung paano
naging makabuluhan ang kaniyang araw.
Paano umibig ang isang aktibista
Ika-2 ng Hunyo 2012
Kalookan
0 mga pandadaot:
Post a Comment