sulat kamay ni
Anna Tolentino
at
2:49 AM on Saturday, February 16, 2013
Ramon, mahal ka ng masa. Kahit hindi mo sila/nila kilala. Dahil, naglilingkod ka para sa kanila. Mamahalin ka din ng mga isda atbp sea creatures sa Tubbataha kung titindig ka muli para ibagsak ang imperyalismo. Maging ng mga nanay at tatay sa mga komunidad na palaging handa o hindi handa sa demolition dahil puro jumper ang kanilang linya ng elektrisidad dahil sa taas ng singil sa kuryente. Kung magpapakamatay ka, sayang ang dugo mo. I-donate mo na lang kay tata Froi, matandang lumalaban para pahabain ang kaniyang buhay para i-extend pa ang paglilingkod sa masa. Kasama, kung ninanais mong wakasan ang iyong buhay, isipin mo ang pagbubuwis ng buhay ng mga kasama sa kamay ng mga berdugo't pasistang militar sa ilalim ng rehimeng US-Aquino.