Para kay JRamon na nagugulumihanan sa gitna ng digmaan.
Ramon, mahal ka ng masa.
Kahit hindi mo sila/nila kilala.
Dahil, naglilingkod ka para sa kanila.
Mamahalin ka din ng mga isda atbp sea creatures sa Tubbataha kung titindig ka muli para ibagsak ang imperyalismo.
Maging ng mga nanay at tatay sa mga komunidad na palaging handa o hindi handa sa demolition dahil puro jumper ang kanilang linya ng elektrisidad dahil sa taas ng singil sa kuryente.
Kung magpapakamatay ka, sayang ang dugo mo. I-donate mo na lang kay tata Froi, matandang lumalaban para pahabain ang kaniyang buhay para i-extend pa ang paglilingkod sa masa.
Kasama, kung ninanais mong wakasan ang iyong buhay, isipin mo ang pagbubuwis ng buhay ng mga kasama sa kamay ng mga berdugo't pasistang militar sa ilalim ng rehimeng US-Aquino.
Enero 25, 2013
5:38am
Cubao
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang may akda
- Anna Tolentino
- Baligtad ako magsulat sa aking kwaderno. Kulay lila lang ang makikita mong tinta sa lahat ng pahina nito.
geepayb. Powered by Blogger.
-
Sa bawat pahina ay may kwentong nabuo.At ang kwadernong ito ay binubuo ng mga pahina na gawa sa likhang-isip at buhay na kwento ng isang aktibistang nagmamahal.
2 mga pandadaot:
Kasama, pinapa-guilty mo lang siya sa huling linya mo. Okay naman na paalalahanan siya na there are a lot of things to live for, pero wag naman sana sabihin sa ganyang paraan. Maaaring gusto mo lang iparating na may iba pang bagay para paglaunan ng panahon, pero sa huling linya, baka pasamain mo lang ang loob niya. :) Ang kailangan niya sa mga ganitong pagkakataon ay kaibigan na mahihingahan niya ng kanyang saloobin, kaibigan na hindi magju-judge sa nais niyang gawin, kaibigan na magpapaalala nang dapat niyang gawin. Dahil panigurado, ganun siya ka-desperado para kitilin ang sariling buhay.
Okay naman yung first few lines. Pero pwedeng mas personal ang approach, para mas sapul. :) Bilang kaibigan mo siya, banggitin mo kung ano ang nagpapasaya sa kanya. Kasi minsan, sa sobrang lungkot, puro pangit at masamang bagay na lang ang nakikita. Kaya nawawalan ng saysay ang buhay.
*paglaanan
*ng dapat niyang gawin
Post a Comment