Birth day wishlist

on Friday, September 16, 2011


MALAPIT NA ANG B-DAY KO! Huwag niyo kalimutan ang aking regalo. :D


1. Laptop


I swear. Sobrang kailangan ko na talaga ng laptop.
Para magawa ko ang papers works ko.
At gusto ko din matuto mag-photoshop para maka-gawa ng visual propaganda.


2. Bags
Sobrang kailangan ko na nito! Wala na akong  bag naginamit.
Black or camp green na small shot ang gusto kong kulay.
TNF Hot shot or small shot.
Pakat bag.
Pero, mas bet ko yung pink na ganito.










3. Jogging pants+shorts and jacket
Bet din ito kasi, bet ko siya.haha


Bet ito, dahil jogging pants na pwede pang gawing shorts.
Ito ang pangarap kong jogging pants.Hehe 





























4. Sleeping bag, duyan, flod-a-mattress, 


Dahil magagamit ko ito kapag nag-hiking
kami ng mga kaibigan ko.
Kung walang sleeping bag, duyan na gawa
sa tela ng tent. Gusto kong kulay ay Navy Blue or Green.
           
Ito ay dahil, wala akong higaan sa staff house.
Nakikisiksik lang ako sa mga katabi ko.hehe




5. Camera
Para matupad ko na ang matagal kong raket
na hindi ko nagagawa dahil wala akong camera
Gusto kong maging photojournalist. :)


6. External Hard drive and Flash Drives
Maxtor 3TB or Seagate 3TB.
Sabagay, iisa na ang Maxtor at Seagate ngayon.
Ang dami ko kasing files ee!
2 pieces na 8 GB ang kailangan ko. Lagayan ng files and installer yung isa.
               
      
7. Brand new cellular phones


1 Dual-Sim na Nokia and 1 Samsung na hindi dual-sim.




8. Cabinet
Actually, hindi ito ung style na gusto ko.
Wala lang akong makita sa net, ang gusto ko talaga ay yung
Caha de Oro Ultimo, ganyan din ang print.
Wala kasi akong lagayan ng mga damit sa staff house.
Para dyan ko na din ilalagay ang supplies ko.


9. Toiletries
Basic need. Sabon, shampoo, conditioner, toothpaste, toothbrush (2 pcs),
deo, sanitary napkin, panty liner, femwash. hehe


11. Books
Meron na akong kopya nito. Pinahiram ko,
pero hindi na naka-balik sa akin.
Regalo pa naman sa akin yun ng aking ina.
Nagmakaawa pa kong bilihin ni mami  iyon para sa akin
dahil iyon na ang huling kopya
sa isang bookstore sa Cubao (na ngayon ay sarado na)





Isa to sa matagal ko ng pinoproyektong
makumpleto para sa aking mini-library.
Para pagkuhanan ng reference
at mabasa din ng ibang mga kaibigan.







Matagal ko na ito hinahanap. As in!


12. food
Food trip. Ok. Food trip. Ayus kung sweets.


13. Lunduyan*2011 and CEGP@80
            
Matagumpay na Lunduyan!
Sana umabot ng
100-150 publications na may 250-300 delegates.
Upang ma-konsol ang maraming pub and guilders.   



Matagumpay na Grand Alumni Home Coming.
As in 1500-2000 na delegation ng alumni.
14. Malusog at masiglang kolektiba. 


Swempre kulang yan. Absent sa picture na yan ang iba. :)
Kailangan ng isang malusog at masiglang collective lalo na't masalimuot ang pakikibaka. Dapat united ito sa lahat ng napagkakaisahan ng grupo upang mameet nito ang kaniyang objective. Swempre, hindi maiiwasan dyan na magkaroon ng mga problema. Pero dapat sana kagyat itong nareresolba. Walang puwang dapat ang pagmomoda, dapat maging matured at obhetibong tinitignan ang mga kongkretong sitwasyon upang maiwasan ang liberalismo.
Ang isang kolektib ay dapat nagtutulungan sa kahit anong problema. Pasan mo na nga ang IBP dapat magtulungan. Paano mo mapapalaya ang sambayanan kung magmomoda ka na lang palagi. Diba?
Talagang ganyan ang isang kolektiba:
Hindi sa lahat ng panahon ay masaya; may lungkot din.
Hindi sa lahat ng panahon ay walang problema; maging reyalista.
Higit sa lahat kung nakikita mo ng kakaunti nalang ang pumapakat, hindi dapat ito gawing rason upang manlamig sa pagkilos at maging matamlay sa gawain, bagkus, gawing kabaliktaran dahil iyon ang wasto at nararapat
.


15. Maging masaya.


Buong puso, lubos-lakas at buong panahon na paglilingkod sa sambayanan(swempre kasama dito ang aking pamilya, na palaging iniisip ng marami na hindi) ang tanging magpapasaya sa akin habang ako ay nabubuhay.
16. Spa



Chi Spa. For more lang. Alam ko namang hindi ito magaganap.
Pero, masarap ito. Lalo na kapag sobrang stress na.haha.
Pwede ding acupuncture or acupressure.
17. Dream house ko
Whoooooooooo! Parangap ko yang bahay na yan. Kung napanuod mo ang Lake House. Parang ganoon.


18. Puntahan ang mga sumusunod na lugar:



Cagayan Valley, Batanes, San Ildefonso Peninsula, Mindoro, Romblob, Ilo-ilo, Roxas, Homonhon, Siquijor, Zamboanga, Balut Island, Babuyan Island, Tawi-tawi, Sulu, Pagudpud, Samal Island, Dumaguete, Palawan.


Kung gala lang, 3-5 days kada lugar. Tapos, kakain ng mga native food. Matuto ng local dialect. :D


Pwede naman ding tumagal ako. Like isa hanggang tatlong buwan para makapag-organisa.


19. Makasama ko ang pamilya ko sa araw ng B-day ko.


Dahil sa araw ng B-day ko ay Lunduyan*2011. Kahit tatlong oras lang. Para makasalo sa lunch tapos, manuod ng movie. Oooooooooooor! Wait!


What if, isama ko na lang sila sa Lunduyan*2011. Hahaha! Winner. Sana pumayag sila. :s


20. Dahil, 20 years old na ako. Sana matupad ito lahat. Hihi. <3<3<3




PS.
Ilan sa mga gusto ko din:















Para hindi na ako ma-late.

Para may kaparehes na ang green chucks ko.






Wala kasi akong unan ee.

Para may kayakap ako.hehe




Reference:
http://5vshop.com/toshiba-portege-r705-p35-laptop-intel-core-i3-processor-13-3.html
http://www.klmountainshop.com/catalog/product/gallery/id/36119/
http://www.klmountainshop.com/catalog/product/gallery/id/43260/image/12476/

http://agadgetnews.com/canon-eos-1d-mark-ii-digital-slr-camera-review-specs-and-feature.html
http://www.pcworld.com/shopping/detail/prtprdid,857830838-sortby,retailer/pricing.html
http://hengyushiye.en.made-in-china.com/product/HezJhcEjEyWN/China-Swivel-USB-Flash-Drive-8GB-DT-101-.html
http://www.greenbeetlegear.com/products/Wiggy's-Mummy-Style-Military-Sleeping-Bag.-%252b25-degrees-F.-.html
http://www.uratex.com.ph/2011/01/18/fold-a-mattress/
http://www.uratex.com.ph/products/pillows/body/
http://www.uratex.com.ph/2011/01/18/senso-memory-head/
http://www.babycompany.com.ph/babyco/index.php?subcat_id=170&p=329
http://romulosandoval.blogdrive.com/, http://www.bibliopolis.com/main/books/results.html?author=Tse-Tung%2C%20Mao.&search=1&sortby=pricedesc, http://www.kabayancentral.com/book/up/mb5422071.html
http://www.lelong.com.my/free-shipping-converse-sling-bag-01-85975049-2011-06-Sale-P.htm
http://clothing-and-accessories.become.com/converse-chuck-taylor-all-star-specialty-neon-pink-unisex-low-top-shoes--compare-prices--sc881839301
http://www.replica-watcheshome.com/tag-heuer-link-pink-mother-of-pearl-chronograph-ladies-watch-cjf1311.fc6190.html
http://www.socypath.com/2009/09/resort-spa-chi-spa/
http://imageshack.us/photo/my-images/440/mywork2.jpg/
http://www.treehugger.com/files/2007/08/number-of-the-day-18-months.php
http://motorcyclephilippines.com/forums/showthread.php?t=249385&page=5






4am

I miss you, blog! ;D


Hindi na naman ako makatulog. Kailangan ko na matulog.
Buti pa sina Pher at Trina mahimbing na ang tulog. :s


Gawa na nga lang ako Bday wish list. :D

Isang patuka sa madaling araw*

on Saturday, August 13, 2011
Ilang araw na din akong hindi kumakain ng maayos at sapat. Wala akong ibang bukam-bibig, kundi ang “nagugutom na ako.”

Kani-kanina lang matapos naming pagsaluhan nina Tonet at RJ ang ampao na burger sa kanto, naitanong ko sa kanila kung bakit parang hindi ako masaya ngayon, kumpara dati. Full-time ako noon, wala laging pera, pero nakaka-pakat (nakaka-ikot pa ako sa buong NCR para mag-hop, madalas gutom at palaging nalilipasan ng gutom pero nagagawa ko pa ring maging masaya).

Dati,

Alas sais ng umaga, gising na ako noon. Matapos maghilamos at toothbrush, dideretso sa kabilang bahay para magdesisyon kung ang P10 ko ba ay ibibili ko ng: yosi at hopia? O yosi at kape? Kailangan ko kasi magtira ng P6 para sa makasakay ng jeep papuntang Lardizabal para kulang-kulang 30 minutes na lang ang lalakadin papunta sa aking erya.

Buong maghapon nasa erya lang ako. Umiikot. Nagho-hop sa iba’t ibang publications. Kung may magpapatak sa akin, hindi ko ito ipangkakain. Itatabi ko lang muna ito at kailangang matiyak ko na may baon akong P10 para kinabukasan pambili ng yosi o hopia at pamasahe papuntang Lardizabal.

Gabi na ako uuwi. Pagdating sa opis, maglilinis lang ng katawan tapos matutulog. Minsan, hindi ko na magagawa pang maglinis ng katawan dahil sa sobrang pagod.

Hindi ko din alam kung paano ako nabuhay sa ganyang kalagayan sa loob ng maraming taon. Pero, kada araw, kahit anong hirap o daming problemang kinaharap nananatili pa rin akong masaya, laging naka-ngiti at tumatawa.

Sa kabila ng lahat ng kagutuman ko noong mga panahon na yun, isang tao lang ang minahal ko talaga ng husto dahil sa pagiging TAO niya.

Alam kung sino? Si Jose Cosido.

Alam mo kung bakit?

Kasi, ganito yun:

Kadalasan kasi, kapag gabi na, hindi na dumadaan si Jose sa HQ. Pero, iba ang gabi na iyon.

Maaga ako natulog dahil sa buong araw na pagod at walang kain. Ginising lang ako ni Jose para iabot niya sa akin ang pasalubong niyang 1 piece chicken joy. Galing daw yun sa ka-meeting niya. Naisip daw kasi niya na hindi pa ako kumakain, kaya inihatid niya yun sa HQ.

Syempre, natuwa talaga ako. Kasi, makakakain na ako. Pero, hindi ko sinolo ang 1 piece chicken joy na iyon. Kahit na alam kong hindi kakasya iyon para sa lahat ng taong andoon, pinaghatian din namin iyon ng ibang kasama (ang naaalala ko na lang na nakahati ko doon ay si Pranses).

Swempre, hindi lang naman si Jose ang ganyan sa akin, sa AMIN. Andyan din sina Vijae at Heidi. Kapag nalaman nilang nagrerebolusyon na ang aming mga tyan, magby-byahe pa sila ng ilang oras mula sa ibang probinsya para maihatid din ang isang balot ng healthy groceries. 


Mahal namin ang bawat isa, ano?


Ee, alam mo ba kung gaano ko din ka-mahal ang mga ka-groupmates ko sa Guild?

Umuwi ako noon sa bahay namin, habang sina Gerg, Vijae, Jose at iba pa ay nasa staff house.  Wala akong cellphone dahil saktong nag-lowbatt ang phone ko at brownout pa.

Alas syete na ng gabi, tska lang muli nagkaroon ng kuryente. Syempre, doon lang din ako nakapag-charge ng battery ng cellphone. Nang magka-karga na ang battery nito, doon ko lang din nabasa ang text message sa akin ni Gerg. Alas-tres ng hapon pa niya iyon ipindala.

Nagtatanong siya, kung pupunta daw ba ako sa staff house namin. Dahil, gutom na gutom na daw sila, magdala daw ako ng pagkain.

Edi syempre, nagkukumahog naman ako sa pagbabalot ng kahit anong mahawakan ko na maaari nilang makain, dahil, anong oras na’t alam kong hindi pa sila kumakain hanggang sa mga oras na iyon.

Alas otso na na din ako nakarating sa staff house. At tama nga, doon palang sila makakain.

Hindi ko alam, pero habang sinusulat ko ito umiiyak ako. Silang mga unang ka-groupmate ko, sila ang nagturo sa akin maging isang tunay na tao. Gayun din, ay kung paano at ano nga ba ang ibig sabihin ng collective living.

May pagkain o wala, may pera o wala, masaya man o malungkot, nagtatawanan, nagdadautan sa kabila ng aming kani-kaniyang mga problema sa buhay habang sabay-sabay na nireresolba ang mga problema ng Guild.



Para kina:
Tonet, Meloy, RJ, Gidget at Pher
Kaya yan! Huwag lang bibitaw.