Oda ng pamamaalam

on Friday, November 5, 2010
Hindi lamang ito
ang unang pagkakataong
tayo’y mamamalam sa isa’t isa.


Hindi din ito
ang unang beses
na tayo’y nagkalayo.

Marahil,
Ito na ang mas matagal nating pagkakawalay.


At sa pagkakataong ito
Magkikita tayo sa bawat ngiti
           ng ‘di kakilalang nakakasalubong.
Magtatagpo tayo sa bawat pagsalubong
           ng alon sa alon.
At gayundin, hindi magsasawa
           ang hangin sa aking pakisuyo
                   na iparamdam ang mainit o malamig na pagsinta.

Hindi ito
ang magiging
huling yugto
ng
ating
pagkikita.

Ito ang simula
ng
muling pagsasamang--


hindi isla ang pagitan.

0 mga pandadaot:

Post a Comment