Sandata

on Friday, November 5, 2010
Hindi na keypad
Ang iyong kaulayaw
Sa pagbaybay
Ng mga taludtod.

Ngunit,
Putik at bota na
Ang kapareha
Sa pagbubuo
Ng mga saknong

Gamitin mong metapora
Ang masukal na terayn
At pagkubli sa mga talahib

At mapangahas mong
Ibigkas sa kaaway
Ang iyong obra---
Hanggang sa ito’y
Kumitil ng kanyang buhay.

Sapagkat, ang manunulat ay mandirigma.

27 Disyembre 2008

0 mga pandadaot:

Post a Comment