|
Isa sa masasayang hapon ko kapiling ang mga batang ito. |
Kung hindi ako nagkakamali, taong 2008 ito. Pinaghandaan naming mabuti ang araw na iyan, kani-kaniyang paalam sa mga magulang, pagpapasulpot ng sariling pamasahe para makapunta sa kitaan sa takdang oras.
Dahil stress sa arawang gawain sa publikasyon, mas pinili naming mag-aral sa isang parke para iba at maganda ang ambiance. Iyon nga lang, hindi namin nabigyan ng konsiderasyon na maaaring sumama ang lagay ng panahon. Oo. Biglang umulan. Nakipag-patintero kami sa bawat patak at umindak nang paulit-ulit sa kada ritmong nililikha ng ulan.
Kahit hindi namin natapos ang pag-aaral (hanggang ngayon hindi pa rin namin ito natatapos pare-pareho) naging masaya kami sa araw na ito, na nauwi sa kwentuhan, tawanan, biruan, pictorial at nanatiling agit at sinsero, dedikado, masikhay sa paggampan ng aming mga tahas at gawain.