Kung bakit ako umiyak in public

on Monday, December 9, 2013
Okay. Bother na bother na ako this past few weeks. Kailangan ko na itong pakawalan.

Mayroong mahigit 7 Billion population sa buong mundo*. Nasa thousands ang nakilala ko mula sa Pilipinas, habang ang iba naman ay nagmula sa ilang bahagi ng mundo. 

Ilang araw ko na din iniisip, kung paano ko ba maipla-plano na mahanap, makilala at makasama muli sila** sa mga susunod kong buhay (reincarnation; kung totoo man ito o hindi).

Gusto kong gumawa ng isang listahan na naka-table: larawan, pangalan, maigsing paglalarawan kung sino siya**, dahilan kung bakit kailangan ko siyang makasama ulit; tapos ilalagay ko ito sa isang time capsule at itatago ito sa isang lugar na matatandaan ko kapag nabuhay na ako ulit.

Seryoso. Ito ang dahilan kung bakit ako umiyak in public kaninang umaga (buti na lang at napigilan ko ang paghagulgol).

At habang ina-avail ko ang buhay na ito, gusto kong malaman mo na sobrang masaya ako na nakilala kita** at hindi ko malilimutan ang mga pinagsaluhan nating mga kwento't aral sa buhay. Maraming salamat sa iyo**.



*http://www.worldometers.info/world-population/
**mga taong mahahalaga at minamahal ko

Isa akong Ehipto?

on Saturday, December 7, 2013


"...in your most recent past life you lived in the Northern part of African continent, somewhere between present day Libya and Egypt."

Baka naka-tira ako sa mid-point ng Al Jawf at Al Jizah. Ehipto kaya ako? Medyo fan ako ng arts ng Egypt. Kaya pala mabilis lang sa akin na makahabol sa Geometry at paborito ko ang Pythagorean theorem. Naalala ko yung game na nilalaro kong trial version, Pyramid Bloxx. Hindi ako mapalagay dahil hindi ko malaro ito ng buo, until bigyan ako ni Maui ng kopya.

"You did not live a long life in your previous life."

Anong kinamatay ko? Haha! Kaya ba gustung-gusto ko na mauuna na akong mamatay kesa sa ibang taong malalapit sa akin? Akala ko pa naman dahil coward ako para harapin ang pain-lost-disconnection.

"...you were a Woman in your previous life."
So maybe this explains well bakit palagi kong pinapangarap na maging lalaki.

"The first alphabet of your name in your past life was F"
Kung Ehipto nga ako dati, maaari na ang pangalan ko ay Femi*.

"...your profession or  What you did in your past reveals that you were most likely a  map maker, astrologer, astronomer."
Map maker noon, Geographical Idiot ngayon. Astrologer at astronomer, gusto ko ang mga ito. Kaya ba gusto ko ang moon, stars, galaxies at iba pa? Ito ba ang dahilan bakit noong elementary ay nag-install ako ng software na mala-3D para ma-tour ko virtually ang milkway at ibigin ang planet Mars? Favorite star ko din ba noon ang favorite star na nakikita ko tuwing 6-7pm?

"There was this person whom you loved dearly but you never had the courage to let that person know your feeling. You waited all your life for the right moment and you never uttered a word."
Sa existing life ko ngayon, merong someone na "iyan" na until now ay hindi ko pa din sinasabi sa kaniya na minahal ko siya. HAHAHA!

"In short, your love in past life was a total failure."
LOL! Artificial Intelligence ka lang para husgahan mo ang past life ko. Hahaha! Joke lang. Naging masaya ako ba ako sa piling ng pinakasalan ko? Hahaha!



*http://www.mybirthcare.com/favorites/pg1/Egyptian-names.asp

Day 12 - A picture of something you love.

on Sunday, December 1, 2013


Ang apat na bagay na bumubuo sa pagkatao ko.

Travel.
Naglalakbay ang bawat tao para hanapin ang kaniyang hinahanap sa buhay. Ganoon din ako, naglalakbay para buuin ang sarili at sa bawat lugar na aking pinupuntahan ay katumbas ng ilang pahina ng kasaysayan sa aking pagkatao.

Notebook.
Mas kilala ako ng aking mga kwaderno kumpara sa ibang tao. Alam nito kung may kinukubli akong alinlangan o dinaramdam na hindi ko maisatitik sa kaniya. Dagdag pa, hindi siya napapagod maghintay at alam kong kinasasabikan niya ang aking mga kwento.

Planner.
Hindi totoong hindi pa naiimbento ang time-travel machine. Buksan mo lang ang iyong planner, maging day dreamer pansamantagal at i-turn on ang iyong mind-projector; dadalhin ka na nito sa iyong past-present-future.

Computer.
Miserable ang buhay ko kapag wala ito.