Sipi mula sa Araling Aktibista (11 Tipo ng Liberalismo)

on Monday, June 25, 2012

Ang liberalismo ay nakikita sa iba’t ibang paraan.

1. Palampasin ang mga bagay-bagay alang-alang sa kapayapaan at pagkakaibigan kapag ang isang tao ay maliwanag na nagkamali at umiwas sa makaprinsipyong pangangatwiran sapagkat siya ay isang matagal nang kakilala, isang kababayan, isang kamag-aral, isang matalik na kaibigan, isang minamahal, isang malaon nang kasamahan o isang malaon nang tauhan. O kaya’y banggitin ang usapin nang pahapyaw sa halip na talakayin ito nang lubusan upang mapanatili ang mabuting pagsasamahan. Dahil dito, ang organisasyon at ang indibidwal ay kapwa napipinsala. Ito ay isang tipo ng liberalismo.

2. Magpakalulong sa mga iresponsableng pamumuna nang sarilinan sa halip na masiglang magharap ng mga mungkahi sa organisasyon. Tumahimik sa harap ng tao subalit magtsismis sa kanilang likuran, o tumahimik sa harap ng isang pulong at magdadaldal pagkatapos. Ang hindi igalang ang mga prinsipyo ng kolektibong pamumuhay at sa halip ay sumunod sa sariling hilig. Ito ay ikalawang tipo.

3. Palampasin ang mga bagay-bagay kung hindi sangkot ang sarili; magsalita nang babahagya hanggat maaari gayong alam na alam kung ano ang pagkakamali, magpakatuso at maniguro at umiwas lamang na mabagsakan ng sisi. Ito ay ikatlong tipo.

4. Sumuway sa mga kautusan at sa halip ay ipagmalaki ang sariling palagay. Humingi ng natatanging konsiderasyon mula sa organisasyon ngunit tumanggi sa disiplina nito. Ito ay ikaapat na tipo.

5. Magpakasasa sa atakeng personal, maghanap ng away, magbulalas ng personal na galit o maghiganti sa halip na makipangatwiran at makitunggali laban sa maling mga palagay alang-alang sa pagkakaisa o kaunlaran o maayos na pagsasakatuparan ng gawain. Ito ay ikalimang tipo.

6. Makarinig ng maling palagay nang hindi sinasagot ang mga ito at makarinig pa ng kontra-rebolusyonaryong mga pahayag nang hindi iniuulat ang mga ito, at sa halip ay pakinggan ang mga ito nang buong kapanatagan na parang walang anumang nangyari. Ito ay ikaanim na tipo.

7. Maparoon sa masa at kaligtaang magsagawa ng propaganda at ahitasyon o kaya’y magsalita sa mga pulong o gumawa ng pagsisiyasat at pagtatanong sa kanila, at sa halip ay ipagwalambahala sila at magpakitang walang pagmamalasakit sa kanilang kapakanan, at makalimot na ang sarili ay isang Komunista at kumilos na parang karaniwang di-Komunista. Ito ay ikapitong tipo.

8. Makitang ipinapanganib ng isang tao ang kapakanan ng masa ngunit hindi makaramdam ng pagngingitngit, o kaya’y pagpayuhan o pigilin siya o makipagpaliwanagan sa kanya, at sa halip ay pabayaan siyang magpatuloy. Ito ay ikawalong tipo.

9. Kumilos nang walang sigla at walang tiyak na balak, o patutunguhan; kumilos nang pawalambahala at magpabasta-basta—“Hanggat mongha ka’y patugtog ka na lamang nang patugtog ng kampana.” Ito ay ikasiyam na tipo.

10. Palagay na ang sarili’y nakapaglingkod na nang malaki sa rebolusyon, magmalaki sa pagiging isang beterano, mamuhi sa maliliit na gawain samantalang hindi naman kaya ang malalaking tungkulin, at maging padaskul-daskol sa gawain at tamad sa pag-aaral. Ito ay ikasampung tipo.

11. Mabatid ang sariling mga kamalian ngunit hindi gumawa ng anumang hakbang para iwasto ang mga iyon at maging liberal sa sarili. Ito ay ikalabing-isang tipo.

Isang sipi mula sa Araling Aktibista


Binabago natin ang ating mga sarili para malinang ang mga saligang rebolusyonaryong aktitud upang mahusay na makapaglingkod sa masa at mabungang makapag-ambag nang ubos-kaya sa rebolusyon. Ang bawat rebolusyonaryo ay dapat maging
a. buong-pusong tagapaglingkod ng masa at laging malapit sa masa
b. laging handa at walang-takot sa mga sakripisyo’t kamatayan
k. seryoso, masinop at masigasig sa pag-aaral at pagtupad ng mga tungkulin
d. mapagkaisa at mainit sa pakikitungo sa kapwa rebolusyonaryo
e. bukas sa pagtanggap ng mga puna at handang magwasto ng mga kahinaa’t pagkakamali

Babalet.

on Sunday, June 17, 2012
Violet. <3

Mahal naming tatay


Pagbati sa lahat nang magigiting, maunawain, mabakayan at mapagmahal nahaligi ng tahanan! J

Banqueta


Kahit ilang beses
Ako magpakalango sa alak
malimutan lang kahit saglit
ang nararamdaman ko para saiyo
mananatiling bigo
ang pansamantalang paglimot
matapos ang magdamag na inuman.


***

Magdamag man ako sa inuman
Mawaglit ka lang kahit saglit
Ikaw pa rin ang aking pulutan.



***
Isang kaha na ng alak
Ang nauubos ko
Pero hindi pa din ako
Tinatamaan
Bukod sa tamang
Nakamit ko mula sa iyo.


Ika-17 ng Hunyo 2012

Byaheng Sabang

on Sunday, June 3, 2012

Mas komportable pa akong matulog sa matagtag na byahe
Kahit na naka-upo't nakasandal sa iyong dibdib habang nakayakap ka sa akin.
Kumpara ngayong gabi na nakalapat ang katawan ko sa malambot na kama.

Bakit bigla-bigla kang dumudungaw sa aking ulirarat?

Ika-22 ng Mayo 2012

Paano umibig ang isang aktibista


Alam mo ba kung paano magmahal ang isang aktibista?

Gaano man kahaba ang kaniyang nilalakbay,
Handa siyang maglakad ng ilang kilometro
Masulyapan ka lang kahit saglit;

Sa panahong hindi siya makausap,
Ang hangin ang kaniyang kuryer
Maipabatid lamang sa iyo
Ang kaniyang pangangamusta;

Huwag mababahala
Kung siya ay hindi mahagilap,
Sapagkat,
Siya ay nasa kanlungan ng masa
At taimtim na nakikinig
Sa mga pinagtagpi-tagping sanaysay
Kung paano sila
Inaalipusta at pinagsasamantalahan ng naghaharing uri;

At sa bawat masang nakakadaupang palad niya’y
Baun-baon niya ang mga ngiti at pasasalamat
Mula sa kaniyang bagong nanay at tatay
Na handa nang
Tumindig. Lumaban.
At sumulong para paglingkuran ang samabayanan.

At bago magtakip-silim,
Paniguradong
Wala ni isang detalyeng makakaligtaang ibahagi

Sa kaniyang iniibig
Kung paano naging makabuluhan ang kaniyang araw.

Paano umibig ang isang aktibista
Ika-2 ng Hunyo 2012
Kalookan